1,355 bus binigyan ng special permit ng LTFRB para sa Undas
Nag-isyu ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permit sa kabuuang 1,355 na mga bus para sa paggunita sa Undas.
Mula sa naturang bilang, 537 bus ang binigyan ng special permit ng Central Office ng LTFRB, 682 sa CALABARZON, lima sa Region 5, pito sa Region 6, 97 sa Region 7, walo sa Region 8, 15 sa Region 10, at apat sa Region 11.
Ang special permit ay epektibo mula ngayong araw, October 30 hanggang November 5 na siyang mayroong pinakamalaking volume ng bilang ng mga taong uuwi sa mga probinsya at babalik sa Maynila.
Bukod sa paglalabas ng mga special permits ay nagtayo rin ng mga helpdesk ang LTFRB sa mga malalaking terminal ng bus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.