Trial period para sa national ID system sisimulan bago matapos ang taon

Magsasagawa ng anim na buwang trial period ang pamahalaan para sa Philippine Identification System (PhilSys).

Ayon kay Undersecretary Lisa Bersales ng Philippine Statistics Authority (PSA), isang milyong benepisyaryo ng conditional cash transfer program ng pamahalaan ang unang bibigyan ng national ID para sa trial period.

Layon aniya ng trial period ang ma-test ang mismong system at prosesong kanilang binuo para sa national ID.

Kabilang sa titingnan sa proseso ang registration, validation, hanggang sa mismong mare-release ng Phil ID, maging ang privacy security.

Aniya, sa trial period ay makikipagtulungan ang PSA sa Philippine Postal Corporation at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa September 2019 naman sisimulan ang full registration para sa national ID system kung saan target na makapagregister ang limang milyong Pilipino sa pagtatapos ng susunod na taon, at 25 milyon naman sa 2020.

Read more...