NBI nagsumite na ng initial report sa “tanim bala” sa NAIA
Inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Head Agent Manny Eduarte na nag-sumite na sila kahapon ng paunang report kay Justice Sec. Ben Caguioa kaugnay sa laglag bala sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Si Eduarte ang pinuno ng fact-finding team na binuo ng DOJ na para imbestigahan ang nasabing iskandalo.
Gayunman, tumanggi ang opisyal na sabihin ang detalye ng kanilang initial assessment sa mga pangyayari sa NAIA.
Magugunitang binigyan ng 15-days ng DOJ ang team ni Eduarte para alamin ang lawak ng sindikato na posibleng nag-ooperate sa loob ng paliparan.
Sakop ng kanilang imbestigasyon ang mga kawani ng NAIA, mga operator ng screening machines at mga tauhan ng Office for Transportation Service (OTS).
Inamin naman ni Eduarte na iniimbestigahan na rin nila ang kaso ng American missionary na si Lane Michael White na isa sa mga unang nag-reklamo na biktima ng tanim bala sa NAIA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.