Bagyong Rosita posibleng magdulot ng storm surge

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad na magkaroon ng storm surge o daluyong sa ilang mga lugar dahil sa pananalasa ng bagyong Rosita.

Sa forecast storm surge advisory ng PAGASA na inilabas alas-11 ng gabi, aabot sa dalawa hanggang tatlong metro ng daluyong ang posibleng tumama sa mabababang lugar sa Isabela, La Union, at Pangasinan.

Isa hanggang dalawang metro naman ng storm surge ang posibleng tumama sa low-lying areas sa Ilocos Sur at Aurora.

Payo ng PAGASA, magkaroon na ng preventive evacuation sa nabanggit na mga lugar dahil posibleng magdulot ng pagkasira sa mga komindad ang pagtama ng storm surge.

Inaabisuhan din ng weather bureau ang mga mangingisda na huwag nang subukan pang maglayag sa mga dagat.

Samantala, mas mababa naman sa isang metro ang posibleng dalhing storm surge o pagtaas ng tubig sa mabababang bahagi ng Ilocos Norte.

Ayon sa PAGASA, hindi pa kinakailangan na lumikas ang mga residente dito, ngunit dapat ay umiwas ang mga ito sa coastal areas at tabing dagat.

Read more...