Ilang bahagi ng Samar, binayo ng Bagyong Rosita

By Len Montaño October 29, 2018 - 10:23 PM

Binayo ng epekto ng Bagyong Rosita ang Hilagang bahagi ng Samar partikular ang 4 na coastal towns ng lalawigan.

Ayon kay Rei Josiah Echano, chief ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), apektado ng Bagyong Rosita ang mga bayan ng Pambujan, Mapanas, Gamay at Catarman.

Sa Pambujan, sinira ng storm surge o daluyong na nasa pagitan ng tatlo at limang metro ang 10 bahay kung saan naapektuhan ang 107 na pamilya.

Habang sa Mapanas, 77 pamilya ang naapektuhan ng storm surge na sumira sa 12 bahay sa Barangays 1, 2, 5, 6, at 8.

Sinira naman ng malalaking alon ang ilang resorts sa kalapit na bayan ng Gamay.

TAGS: Bagyong Rosita, Samar, Bagyong Rosita, Samar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.