Patay ang isang binatilyo sa sunog sa mga kabahayan sa Quiapo, Manila Lunes ng hapon.
Ayon kay Senior Fire Inspector Lucio Albarracin, nasawi ang 13-anyos na si Alexander Reyes Lionel.
Nabatid na natutulog si Lionel nang sumiklab ang sunog.
Nagsimula ang sunog 12:47 ng hapon at idineklarang fire out bandang 3:06 ng hapon.
Halos 45 na pamilya at 15 na bahay ang apektado ng sunog.
Tinataya namang P50,000 ang halaga ng ari-arian na natupok.
Iniimbestigahan ng mga bumbero ang dahilan ng sunog.
MOST READ
LATEST STORIES