Walang apektadong Pinoy sa bumagsak na eroplano sa Indonesia – DFA

Walang Pilipinong pasahero sa eroplano ng Lion Air na bumagsak sa karagatang sakop ng Indonesia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), wala silang natanggap na balita na may Pinoy na kasama sa nag-crash na eroplano.

Kasabay nito ay nakiramay ang Pilipinas sa Indonesia bunsod ng insidente kung saan patuloy na hinahanap ang kabuuang 188 na mga pasahero at crew.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Indonesia Lee Hiong Wee, agad na nakipag-ugnayan ang embahada ng bansa sa Indonesian National Search and Rescue Agency at Ministry of Foreign Affairs matapos ang crash.

Dito nalaman ng ambassador na walang Pilipino sa flight manifest.

Read more...