Higit 12M na katao, inaasahang maaapektuhan ng Bagyong Rosita
Mahigit 12 milyong katao o mahigit 2 milyong pamilya sa halos 300 lugar ang inaasahang maaapektuhan ng Bagyong Rosita.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) director of operation Edgar Posadas, ang Bagyong Rosita ay inaasahan na magdudulot ng pagbaha, landslide at storm surge o daluyong sa Hilaga at Central Luzon.
Sa 290 na syudad at munisipalidad, nasa kabuuang 12.02 milyong indibidwal o 2.40 milyong pamilya ang posibleng maapektuhan ng bagyo kung saan 1.79 milyon ang nakatira sa below poverty line.
Ayon sa NDRRMC, nagpatupad na ng forced evacuation sa Itogon, Benguet bilang paghahanda sa posibleng bagong landslide sa lugar.
Minomonitor din ng ahensya ang Cordillera Administrative Region (CAR) kung saan posible rin ang pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.