(Updated) Niyanig ng magkasunod na lindol ang Surigao del Sur, Lunes ng gabi.
Sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng unang pagyanig lindol na may lakas na magnitude 4.2 sa layong 39 kilometers Northeast ng bayan ng Hinatuan dakong 8:55 ng gabi.
May lalim ang lindol na 6 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Samantala, muling nilindol ang nasabing lugar na may lakas na magnitude 5 na lindol sa layong 46 kilometers Northeast bandang 9:41 ng gabi.
May lalim itong 2 kilometers at tectonic din ang origin.
Dahil dito, naramdaman ang Intensity II sa bahagi ng Bislig City
Wala namang napaulat na nasirang ari-arian sa lugar.
Ngunit, inaasahan pa ang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES