Panelo: Duterte maginoo sa tunay na buhay

By Chona Yu October 29, 2018 - 08:21 PM

Umaapela ang Malacañang sa publiko na huwag nang bigyan ng mabigat na pakahulugan ang mga pilyong piro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga babae.

Pahayag ito ng palasyo matapos umani ng batikos ang pangulo kaugnay sa naging pahayag nito na kapag ang isang magandang babae ang dumura sa kanyang mukha ay kukunin niya ang laway at ilalagay niya sa bibig niya at ibabalik niya sa babae at sasabihang dadagdag pa ng laway niya.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, naging istilo na ng pangulo ang pagbibiro sa mga babae at ang istilong ito ang nagluklok pa sa pangulo sa pinakamataas na puwesto sa bansa.

Dagdag pa ni Panelo, “We’ve been here in this kind of… I don’t know if you can even call it jokes but that has been his style ever since he came into national limelight as mayor and as candidate for the Presidency. That’s his style and in fact that style made him the President of the land overwhelmingly”.

Katunayan, sinabi ni Panelo na maginoo ang pangulo at mataas ang pagrespeto sa mga babae.

Iginiit pa ni Panelo na sa kabila ng mga pilyong biro ng pangulo ang mahalaga ay maayos na nagagampanan ng pangulo ang kanyang tungkulin at maayos na napagsisilbihan ang taong bayan.

“Not ignore but we shouldn’t give too much weight on that in so far as it… insults or offends, I don’t think he was being offensive or insulting, from the reactions of the audience they were laughing, they’re smiling and laughing because they been used to this President”, dagdag pa ng kalihim.

 

TAGS: biro, duterte, joke, maginoo, panelo, biro, duterte, joke, maginoo, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.