AFP takeover sa BOC posibleng magtagal ayon sa Malacañang

By Chona Yu October 29, 2018 - 07:41 PM

Temporary lamang ang pag-take over ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Bureau of Customs.

Pero sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi niya matukoy kung hanggang kalian tatagal ang military take over sa BOC.

Paliwanag ni Panelo, maaring ibalik na sa opisyal ng BOC ang pangangasiwa sa kawanihan kung makukuntento na si Pangulong Rodrigo Duterte at mapapaniwala na nawala na ang kprupsyon at smuggling sa naturang tanggapan.

Nanindigan pa si Panelo na bilang Commander-in-Chief may legal basehan ang pangulo na kontrolin ang lahat ng executive office kabilang na ang Customs.

Maari aniyang ilipat ng pangulo ang military sa ibang tanggapan gaya ng BOC kung sa paniwala niya ay kakailanganin.

Tiniyak pa ni Panelo na mag-iisyu ng kaukulang dokumento ang pangulo sa mga susunod na araw para maging pormal ang pag takeover ng AFP nasabing tanggapan.

TAGS: AFP, BOC, Bureau of Customs, corruption, guererro, panelo, takeover, AFP, BOC, Bureau of Customs, corruption, guererro, panelo, takeover

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.