Lacson hindi bilib sa military takeover sa Customs
Ibinahagi ni Senator Ping Lacson na noong dekada ’60, nagtalaga na ng mga sundalo sa Bureau of Customs para masawata ang katiwalian, ngunit palpak din ang istratehiya.
Aniya, noong una ay hindi natinag at nasuhulan ang mga batang opisyal na mga sundalo, ngunit nag-iba na ang ihip ng hangin ng gumamit na ng mga bata at magagandang babae ang mga sindikato.
Tiniyak ng mambabatas na gagamitin ng mga sindikato ang lahat ng mga paraan para hindi matigil ang kanilang modus sa Customs Bureau.
Pagdidiin nito, ang kailangan gawin sa Customs ay palakasin ang counter-intelligence para bantayan at ma-monitor ang lahat ng mga galawan sa kawanihan.
Dagdag pa nito at ang napakahalaga ay dapag magsilbing modelo ang mga namumuno sa Customs Bureau.
Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang military takeover sa Customs Bureau matapos ilagay sa floating status ang lahat ng mga opisyal at kawani dahil sa hindi mamatay-matay na isyu ng katiwalian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.