Malakas na ulan ibinabala ng Pagasa sa Northern Luzon dahil kay “Rosita”

By Den Macaranas October 29, 2018 - 06:06 PM

Napanatili ni bagyong Rosita ang kanyang lakas sa mga nakalipas na oras ayon sa 5:00 p.m bulletin na inilabas ng Pagasa.

Sa mga susunod na oras ay asahan ang katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa ilang mga lugar sa Northern at Central Luzon.

Pinag-iingat rin ang publiko sa inaasahang baga sa mga low-lying areas ayon pa sa weather bureau.

Sa mga lalawigan ng Cagayan, Aurora, Isabela, Ilocos Sur, Ilocos Norte at La Union posible pa rin ang storm surge nang hanggang sa tatlong metro.

Bukas ng umaga, October 30 ay inaasahang babagtas sa ibabaw ng Aurora, Isabela, Quirino, Ifugao, Nueva Vizcaya, Benguet at La Union ang bagyong Rosita.

Inaasahan namang lalabas si Rosita sa kalupaang bahagi ng bansa bukas ng gabi at lalabas siya sa Philippine Area of Responsibility sa Miyerkules ng gabi.

Ang mata ng bagyo ay huling namataaan sa laong 310 kilometers Silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas na 150 kph at pagbugsong umaabot sa 185 kph at tinatahak ang Kanlurang bahagi ng bansa sa bilis na 15 kph.

Nakataas pa rin ang signal number 3 sa mga sumusunod na lalawigan:

Isabela

Quirino

Northern Aurora

Nueva Vizcaya

Ifugao

Signal number 2 sa mga sumusunod na lugar:

Cagayan

Ilocos Norte

Apayao

Abra

Kalinga

Ilocos Sur

Mountain Province

La Union

Benguet

Pangasinan

Tarlac

Nueva Ecija

Northern Quezon including Polillo Island

Southern Aurora

Zambales

Pampanga

Bulacan.

Samantalang ang signal number 1 ay nakataas naman sa mga sumusunod na lalawigan:

Southern Quezon

Batanes and Babuyan group of Islands

Rizal

Metro Manila

Laguna

Batangas

Bataan

Cavite

Camarines Norte.

TAGS: bagyong, Luzon, Pagasa, Rosita, Typhoon, bagyong, Luzon, Pagasa, Rosita, Typhoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.