Dahil sa diumano’y panggagahasa ng isang pulis-Maynila sa isang 15-anyos na dalagita, nais ni Senator Nancy Binay na itaas mula sa 16-anyos mula sa 12-anyos ang ‘age of consent.’
Inihain ni Binay ang Senate Bill No. 1895 na layong gawing 16-anyos ang minimum age sa pagdetermina ng statutory rape.
Nasa committee level pa rin ang panukala at ayon sa senador kakausapin niya ang mga kapwa mambabatas para mapabilis ang pagpasa nito.
Ipinaliwanag ni Binay na isa ang Pilipinas sa may pinakababang age of consent at aniya sa Anti-Rape Law, maikukunsidera lang ang statutory rape kung ang biktima ay 12-anyos pababa o may kapansanan sa pag-iisip.
Naniniwala ito na kapag naisabatas ang kanyang panukala ay maiiwasan ang lahat ng uri ng pang-aabuso sa mga menor-de-edad, lalo na ang panghahalay.