Kontratista sa Smokey Mountain housing project inakusahan ng katiwalian

By Ricky Brozas October 29, 2018 - 04:52 PM

INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Ibinunyag ng mga abogado ng pamahalaan  ang pagtatangka ng kontraktor ng Smokey Mountain project sa Tondo na gatasan ang gobyerno ng higit P1.12 Billion.

Agad na kumilos ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) upang harangin ang aregluhan sa pagitan ng National Housing Authority (NHA) at RII Builders  kaugnay ng reklamasyon at development ng slum area sa Tondo.

Nagtataka kasi ang NHA kung bakit handa pa ang gobyerno na magbayad ng karagdagang halaga at property sa RII Builders gayong sumobra pa nga ng P300 Million ang naibayad bilang kompensasyon.

Ang mediation ay iniutos ng Court of Appeals sa hangad na maidaan sa amicable settlement ang isyu sa pagitan ng OGCC at RII Builders na nag-ugat sa kontrobersyal na housing project sa Smokey Mountain.

Ang OGCC ang kumakatawan sa NHA sa mga kaso sa Court of Appeals.

Una nang lumiham si chief government corporate counsel Elpidio Vega kay NHA General Manager Marcelino Escalada upang ipa-alam ang pagkakaiba ng rekord ng mga naturang ahensiya at ang kaduda-dudang hinihingi ng RII Builders para sa naturang settlement.

TAGS: housing projects, NHA, OGCC, RII builders, smokey mountain, housing projects, NHA, OGCC, RII builders, smokey mountain

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.