Globe-PLDT 700 Mhz deal ipinababasura sa Supreme Court

By Den Macaranas October 29, 2018 - 03:51 PM

Dumulog sa Supreme Court ang ilang petitioner para ipawalang-bisa ang co-use agreement ng Globe at Smart/PLDT sa kontrobersiyal na 700 megahertz (MHz) frequency.

Sa kanilang petition for mandamus, sinabi nina Atty. Lemuel Baligod at Ferdinand Tecson na dapat umaksyon ng Mataas na Hukuman para utusan ang National Telecommunications Commission (NTC) na i-revoke ang nasabing kasunduan.

Dahil sa paggamit ng PLDT/Smart at Globe sa nasabing frequency ay nagkaroon ng duopoly sa larangan ng telecom industry sa bansa ayon sa petitioners.

Ipinaliwanag pa nina Baligod na libreng naibigay ng gobyerno ang 700 Mhz frequency bagay na dapat ay hindi ginawa ng estado ayon sa kanilang petisyon sa Supreme Court.

Malinaw naman ayon sa mga nagpetisyon na walang ginawang improvements ang Smart at Globe para mapabuti ang kanilang serbisyo gamit ang nasabing frequency.

Noong 2016 ay inaprubahan ng NTC ang hatian ng Smart at Globe sa 700 MHz spectrum.

Ibinigay ng NTC sa Globe ang paggamit sa 703 hanggang sa 720.5 at 758 hanggang 775.5 MHz frequencies.

Samantalang ang Smart naman ay pinayagang gamitin ang 720.5 hanggang 738 at 775.5 hanggang 793 MHz frequencies.

Laman ng kasunduan na gagamitin ng nasabing telcos ang 700 Mhz para sa mas mabilis at higit na murang data connection para sa kanilang mga subscribers pero sila ay nabigo.

Ang 700 Mhz frequency ay dating pag-aari ng San Miguel Corporation bago napunta sa Globe at Smart na subsidiary ng PLDT.

Ang nasabing P69 Billion deal ay naselyohan sa pamamagitan ng NTC noong 2016.

TAGS: 700 mhz, baligod, BUsiness, Globe, pldt, San Miguel, Smart, Supreme Court, 700 mhz, baligod, BUsiness, Globe, pldt, San Miguel, Smart, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.