SC Associate Justice Mariano del Castillo, uupong ex-officio chairman ng JBC
Matapos tanggihan ni Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo ang automatic nomination para maging sunod na chief justice siya ngayon ang uupong ex-officio chairman ng Judicial and Bar Council.
Ang JBC ang sumasala at pumipili ng mga iso-shortlist para sa nominees sa lahat ng miyembro ng hudikatura, Ombudsman, Deputy Ombudsmen, Special Prosecutor, at chairperson at regular members ng Legal Education Board.
Dapat ang chairman ng JBC ay ang chief justice ng Korte Suprema o kung sinomang most senior justice kung wala pang naitatalagang chief justice.
Pero dahil isa sa mga aplikante para maging sunod na chief justice ng Korte Suprema, hindi maaring umupo bilang ex-officio chairman ng juducial and bar council si Acting Chief Justice Antonio Carpio.
Dahil apat sa mga most senior justices ng Korte Suprema ang nag-apply para maging chief justice, si Justice Del Castillo ngayon ang pinaka-senior na mahistrado na syang uupong chairman ng JBC.
May anim na kasalukuyang miyembro ang JBC dahil hanggang ngayon ay wala pang itinatalaga si Pangulong Duterte na pang-pitong miyembro na kinatawan ng academe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.