Magulang ng mga namatay sa dengvaxia at mga opisyal ng DOH at Sanofi muling nagharap sa DOJ

By Ricky Brozas October 29, 2018 - 12:25 PM

Nagsumite na ng kanilang kontra-salaysay si Health Assistant Secretary Lyndon Lee-Suy para sa mga kasong kriminal na inihain sa kanya at iba pang kasalukuyang opisyal ng DOH tulad ni Health Secretary Francisco Duque III at dating opisyal ng kagawaran na si dating Secretary Janet Garin.

Kasamang nagsumite ng counter-affidavit ang mga kinasuhang opisyal ng Zuellig Pharma at abugado ng mga opisyal ng Sanofi Pasteur dahil sa kontrobersyal na dengvaxia vaccine.

Ito ang ikalawang batch ng mga kasong kriminal na isinampa ng mga magulang ng walong batang namatay dahil sa dengvaxia.

Binigyan ng DOJ ng hanggang sa November 5 para magsumite ng kontra-salaysay ang ilang sumipot ngayon pero hindi pa tapos ang kanilang counter affidavit.

Kapag natanggap ang lahat ng counter affidavit ay meron namang hanggang November 12 ang PAO para sagutin ang kontra salaysay ng mga isinasakdal.

TAGS: Dengvaxia, department of justice, doh, hearing, Dengvaxia, department of justice, doh, hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.