Forced evacuation ipinatupad na sa Dilasag, Aurora

By Erwin Aguilon October 29, 2018 - 12:21 PM

Nagpapatupad na ng forced evacuation ang pamahalaang bayan ng Dilasag, Aurora sa mga residenteng nasa baybaying dagat.

Ayon kay Dilasag, Aurora Mayor Jo Gorospe nagpatupad na ng paglilipas sa 11 barangay.

Dadalhin anya sa mga evacuation centers ang mga inililikas na pamilya.

Naghanda na rin anya sila ng mga food packs para ipamahagi sa mga evacuees.

Paliwanag ni Gorospe, nagdodoble kayod na sila upang mailikas ang kanyang mga kababayan na nasa delikadong lugar.

Sa ngayon naman bagamat nakataas na ang storm warning signal number 3 sa Northern Aurora ay maaraw pa sa lalawigan.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na bukas ng umaga inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Aurora-Isabela area.

TAGS: Dilasag Aurora, Radyo Inquirer, Rosita, Dilasag Aurora, Radyo Inquirer, Rosita

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.