P50M halaga ng shabu nasabat sa buy bust sa isang mall sa Caloocan

Kuha ni Jong Manlapaz

Nakumpiska sa isang buy bust operation ang aabot sa P50 million na halaga ng ilegal na droga sa isang buy bust operation sa Monumento, Calocoan

Ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit ng NCRPO at Caloocan police ang operasyon sa parking lot ng Victory Mall sa Rizal Avenue sa Gracepark.

Aabot sa walong malalaking plastic na may lamang tig-iisang kilo ng shabu ang nakuha sa tatlong naarestong suspek.

Sa pagtaya ng mga otoridad, aabot sa P50.4 million ang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga.

Read more...