PNP nakaalerto na sa mga lugar na tatamaan ng bagyo
Nakataas na rin ang alerto ng Philippine National Police sa Northern Luzon bunsod ng inaasahang pagtama ng bagyong Rosita.
Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, inatasan na niya ang mga regional directors na i-activate ang kanilang disaster response measures.
Partikular na inalerto ang PNP sa Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.
Inalerto na rin ang specialized search and rescue units ng PNP.
May naka-standby ding augmentation force sa mga kalapit na rehiyon kung sakaling kakailanganin silang ipadala sa mga maaapektuhang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.