Mahirap magpapangit ng maganda gamit ang make-up

melai-contiveosInamin ng isang magaling na make-up artist ng mga artista na mahirap sa kanyang trabaho na papangitin ang isang maganda o gwapong tao.

Pahayag ito sa Radyo Inquirer ni Jackie Rivera, ang make-up artist na gumawa kay Melai Cantiveros ng maging grand winner ito sa programang “Your Face Sounds Familiar”.

Inamin ni Jackie kay Warrior Angel program Host Brenda Arcangel na bago kay Melai ay nahirapan siya sa pagmake-up kay Karla Estrada nang ginaya nito ang singer na si Dulce.

“Matangos kasi ang ilong ni Karla kaya dun ako nahirapan tapos nabigla ako kasi habang inaayusan ko si Karla ay dumating si Ms. Dulce kaya kinabahan ako,” ani Jackie.

Pabiro pa raw na tinanong ni Dulce ang make-up artist kung kailangan ba talagang papangitin si Karla, bagay na nilinaw ni Jackie na ginagaya lang niya ang hitsura ng singer.

Nagsimula ang career ni Kackie sa make up transformation sa pagsali sa isang contest sa Zamboanga kasama ang kanyang mga esudyante at mula noon ay nagsumikap siya sa kanyang trabaho.

“Dapat mahalin ang ginagawa natin at araw-araw na magpraktis kahit marunong na dahil practice makes perfect,” ani Rivera./ Len Montaño

Read more...