NDRRMC nasa red alert status na dahil sa bagyong Rosita
By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2018 - 10:17 AM
Nasa red alert status na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC dahil sa banta ng bagyong Rosita.
Mangangahulugan ito na 24/7 dapat nakaduty ang mga tauhan ng DRMMOs sa buong bansa para rumpesponde sa emergency at kalamidad.
Sa pagtaya ng PAGASA sa Isabela at Aurora area tatama ang bagyo.
Inatasan na ng NDRRMC ang lahat ng kanilang local disaster offices na maging alerto partikular ang tanggapan sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon at Cordillera Regions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.