Malaking tao mula sa gobyerno tumutulong sa mag-inang Yu Yuk Lai at Diana Yu Uy – PDEA

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2018 - 09:58 AM

May mataas na opisyal ng gobyerno umano ang nanghimasok kaya nabasura ang kaso ng anak ni drug queen Yu Yuk Lai na si Diana Yu Uy.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na noon pa may mga impormasyon na siyang natatanggap na may nangingialam sa kaso ni Uy.

Hindi lang umano niya ito mapangalanan dahil maging ang impormante na nagsabi sa kaniya nito ay takot at ayaw lumantad.

Ayon kay Aquino, malaki ang naging impluwensya ng nasabing tao para mapawalang-sala si Diane Uy.

Inilarawan ni Aquino na “malaking tao” ang kaniyang tinutukoy na nanghimasok sa kaso.

TAGS: Diana Yu Uy, PDEA, yu yuk lai, Diana Yu Uy, PDEA, yu yuk lai

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.