Bus driver nagpositibo sa drug test ng PDEA

Nagsagawa ng random drug test ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga terminal ng bus sa EDSA.

Sa pag-iikot ng mga tuahan ng PDEA sa mga bus terminal, isang driver ng bus ang nagpositibo sa isinagawang drug test.

Ayon kay PDEA Deputy Director General for Administration Ricardo Santiago, isasailalim sa confirmatory test ang naturang tsuper.

Sa ngayon, inirekomenda muna ng PDEA sa bus company kung saan nagtatrabaho ang driver na huwag na lamang muna itong pabiyahihin.

Kabilang sa mga pinuntahan ng PDEA para sa random drug testing ang Victory liner, Isarog bus line at dalawang terminal ng bus sa Araneta Center Bus terminal.

Sinabi ni Santiago, na maliban sa mga bus terminal sa Metro Manila ay ginawa rin ang random drug test ng PDEA sa mga terminal ng bus sa mga lalawigan.

Ito ay bilang paghahanda pa rin sa paggunita sa Undas kung saan inaasahang marami ang bibiyahe pauwi sa mga lalawigan.

Read more...