Apat patay sa aksidente sa Batangas

By DDC, Erwin Aguilon October 29, 2018 - 09:24 AM

CREDIT: Mark Anthony Montifar

Patay ang apat na katao habang maraming iba pa ang nasugatan sa aksidente na naganap sa Batangas.

Ayon kay Supt. Rexpher Gaoiran, hepe ng Sto. Tomas, Batangas police station, sangkot sa aksidente ang isang trailer truck, tricycle, isang kotse at isang pampasaherong bus.

Kabilang sa nasawi ang driver ng tricyle at tatlong sakay ng kotse.

Habang nasugatan naman ang dalawang pasahero ng bus at dalawang pasahero ng tricycle.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, patungo ng Bicol ang truck nang sakupin nito ang kabilang linya ng Maharlika Highway kaya sinalubong nito ang mga paparating na sasakyan.

Hawak na ng mga otoridad ang driver ng nasabing truck.

TAGS: accident, Sto Tomas Batangas, accident, Sto Tomas Batangas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.