LTFRB nag-inspeksyon na sa mga terminal ng bus sa Metro Manila bilang paghahanda sa Undas
Nagsagawa ng sorpresang inspeksyon sa mga bus terminal sa Metro Manila ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Inuna ni LTFRB Chairman Martin Delgra na puntahan ang Jam Terminal malapit sa Timog sa Quezon City.
Pinaalalahanan ni Delgra ang mga operator at driver ng mga bus na tiyakin hindi kalbo ang mga gulong at nasa maayos ang kondisyon ng bus bago bumiyahe.
Isang bus naman ang hindi muna pinabiyahe at pinapalitan ng gulong sa Dagupan Terminal, matapos makita ni Delgra na pudpod na ang gulong ng isang Genesis Bus na biyaheng Baguio.
Habang ang mismong terminal ay sinita rin ni Delgra dahil walang maayos na waiting area.
Pinuntahan din ni Delgra ang Araneta Center bus terminal sa Cubao.
Samantala umabot na sa 1,355 na bus ang binigyan ng special permit ng LTFRB para makabyahe sa labas ng ruta nito para sa Undas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.