LOOK: Mga kanseladong biyahe ng eroplano dahil sa sama ng panahon

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2018 - 07:51 AM

UPDATE: Ilang biyahe na ang kanselado ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng CebGo na DG 6009 at 66010 Manila – Basco – Manila.

Gayundin ang biyahe ng Skyjet na M8 816/817 Manila – Basco – Manila.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Basco.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng flight o refund ng kanilang pamasahe.

TAGS: cancelled flights, cebgo, MIAA, NAIA, Radyo Inquirer, weather, cancelled flights, cebgo, MIAA, NAIA, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.