Pulis arestado matapos gahasain isang 15-anyos kapalit ng paglaya ng kaniyang naarestong magulang

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2018 - 07:45 AM

Kalaboso ang isang pulis Maynila matapos nitong gahasain ang 15-anyos na dalagita kapalit ng paglaya ng magulang nito na nakakulong sa Manila Police District Station 4.

Nakatikim ng sermon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar ang suspek na si PO1 Edgardo Valencia.

Mariing itinanggi ni Valencia ang akusasyon gayunman, sinabi ni Eleazar na nag-positibo sa lacerations ang dalagita nang isailalim medical trest.

Ayon sa pahayag ng ina ng dalagita, inaresto siya at kaniyang mister noong Biyernes sa kasong illegal possession of illegal drugs.

Dahil alam umano nilang inosente silang mag-asawa ay kusa silang sumama sa mga pulis, gayunman, maging ang kanilang 15 anyos na anak ay inaresto kahit walang nakuhang ebidensya laban sa kaniya.

Sinabihan umano ni Valencia ang dalagita na mapapawalang-sala ang kaniyang magulang kapag pumayag siyang magpagamit sa pulis.

Ayon sa ina, sinabihan nila ang anak na huwag papayag pero ginahasa pa rin ito ni Valencia.

Nasa pangangalaga na ngayon ng DSWD ang bata matapos ma-trauma sa sinapit.

Sinibak na ni Eleazar sa pwesto so Valencia na mahaharap sa mga kaso.

TAGS: MPD, Radyo Inquirer, MPD, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.