Liquor ban ipinatupad sa Isabela dahil sa bagyong Rosita
By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2018 - 06:30 AM
Nagpatupad na ng liquor ban sa buong lalawigan ng Isabela bunsod ng nagbabantang pananalasa ng bagyong Rosita.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, mahigpit nang ipinagbabawal ang pagbili, pagbenta at pag-inom ng nakalalasing na inumin sa buong lalawigan.
Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa sandaling tumama na at manalasa na ang bagyo.
Nakataas na ang signal number 2 sa Isabela dahil posibleng tumama sa kalupaan nito ang bagyong Rosita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.