Signal #2 nakataas sa 5 lugar dahil sa TY Rosita; NCR at marami pang lugar sa Luzon nakasailalim sa signal #1

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2018 - 05:18 AM

Bahagya pang humina ang Typhoon Rosita habang ito ay papalapit sa Isabela-Aurora area.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 540 km East ng Tuguegarao City, Cagayan

Kumikilos ito sa bilis na 15 kph sa direksyong West Southwest, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 170 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 210 kph.

Nakataas na ang public storm warning signal number 2 sa mga sumusunod na lugar:

Cagayan
Isabela
Aurora
Quirino
Polillo Island

Signal number 1 naman ang nakataas sa sumusunod na lugar:

Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Abra
Apayao
Benguet
Ifugao
Kalinga
Mountain Province
Batanes
Babuyan Group of Islands
Nueva Vizcaya
Nueva Ecija
Pampanga
Tarlac
Northern Quezon
Rizal
Bulacan
Metro Manila
Laguna
Batangas
Bataan
Zambales
Cavite
Camarines Norte

Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga inaasahang tatama ang bagyong Rosita sa kalupaan ng Isabela o Aurora.

Simula ngayong araw ang eastern sections ng Northern at Central LUzon ay makararanas na ng masungit na panahon.

Habang mamayang gabi, katamtaman hanggang sa malalakas na buhos ng ulan na ang mararanasan sa Nothern at Central Luzon.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslides.

Sa Miyerkules, Oct. 31 inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.

TAGS: Aurora, isabela, Pagasa, Radyo Inquirer, Rosita, Typhoon, Aurora, isabela, Pagasa, Radyo Inquirer, Rosita, Typhoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.