Review ng DOJ sa apela ni Sister Fox tatapusin na sa loob ng 30 araw

By Justinne Punsalang October 29, 2018 - 01:37 AM

Tatapusin na ng Department of Justice (DOJ) ang kanilang isinasagawang review patungkol sa apela ni Australian missionary Sister Patricia Fox sa deportation order na inilabas ng Bureau of Immigration (BI).

Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na binigyan niya ng 30 araw ang magkabilang panig upang magsumit ng memoranda.

Sakaling hindi makapagsumite nito ang isa sa magkabilang panig ay dedesisyunan pa rin ng ahensya ang naturang kaso.

Hulyo ngayong taon nang ipagutos ng BI ang deportation ng madre dahil umano sa paglabag sa mga kundisyon ng kanyang missionary visa. Bukod dito ay pinagbawalan na rin si Sister Fox na makapasok pa ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.