Mayroong posibilidad na isailalim sa provisional witness protection program (WPP) si Customs Deputy Collector Ma. Lourdes Mangaoang.
Ito ang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos ihayag ni Mangaoang na nakatatanggap na siya ng mga banta sa kanyang buhay dahil sa kanyang nalalaman tungkol sa nilalamang shabu ng apat na magnetic lifters na natagpuan sa Cavite.
Sa mensaheng ipinahatid ni Guevarra sa mga kawani ng media, sinabi nito na habang hinihintay ang approval ng Senate President tungkol sa porteksyon mula sa pamahalaan ay provisional WPP muna ang kanyang maibibigay.
Nauna nang sinabi ni Mangaoang na maghahain siya ng request upang maisailalim sa WPP.
MOST READ
LATEST STORIES