Mangaoang hiniling na huwag magtalaga ng militar bilang deputy commissioner

Umapela si Customs Deputy Collector Ma. Lourdes Mangaoang sa bagong talagang Bureau of Customs (BOC) chief General Rey Leonardo Guerrero, maging kay Pangulong Rodrigo Duterte, na huwag magtalaga ng militar bilang deputy commissioner.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Mangaoang na ang pagiging deputy commissioner, partikular para sa assessment operations and collection monitoring group, ay hindi nararapat para sa mga militar.

Paliwanag ni Mangaoang, technical ang trabaho sa naturang posisyon kaya naman dapat iyong mayroong karanasan sa loob ng Customs ang maitalaga.

Suhestiyon ni Mangaoang, dapat sa isang abogado ibigay ang posisyon lalo na’t kailangan dito ang kaalaman sa batas.

Paglilinaw naman nito, wala naman siyang problema sa pagkakatalaga kay Guerrero bilang bagong pinuno ng BOC.

Read more...