Robredo sa utang bansa: Dapat maging transparent ang gobyerno
Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang pamahalaan na maging transparent tungkol sa pagkakautang ng bansa.
Nais rin ng pangalawang pangulo na maging kritikal ang publiko ukol sa naturang usapin.
Batay kasi sa huling datos noong Setyembre, pumalo na sa P7.16 trilyon ang utang panlabas ng Pilipinas.
Sa isang panayam, sinabi ni Robredo na dapat ilahad ng gobyerno kung saan-saang mga proyekto napupunta ang perang inuutang ng bansa.
Paglilinaw ni Robredo, hindi naman masama kung uutang ang bansa basta’t makatutulong ito sa ekonomiya. Aniya, nagiging negatibo lang naman ang utang kung kinukurakot lamang ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.