Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino na nadamay sa shooting incident sa isang synagogue sa Pittsburgh, Pennsylvania.
Nagpaulan ng bala nag isang 46-anyos na lalaki sa Tree of Life Congregation kung saan 11 katao ang nasawi.
Sa ulat ni Philppine Consulate General in New York Consul General Claro Cristobal, walang miyembro ng Filipino Community ang nadamay sa insidente.
Nasa 4,000 ang miyembro ng Filipino Community sa Piitsburgh at sa nalalabing bahagi ng Western Pennsylvania.
Ipinahayag ng DFA sa pamamagitan ni Assistant Secretary Elmer Cato ang pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.
Umaasa rin ang DFA na gagaling agad ang anim pang indibidwal na nasugatan sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES