NDRRMC nasa blue alert status na para sa Typhoon #RositaPH

By Rhommel Balasbas October 29, 2018 - 02:58 AM

Nasa blue alert status na ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Operations Center bilang paghahanda sa hagupit ng Bagyong Rosita.

Isang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) meeting ang isinagawa sa pamumuno ni NDRRMC Executive Director at OCD Administrator Usec. Ricardo Jalad.

Dinaluhan ang pulong ng mga kinatawan mula sa member agencies ng NDRRMC tulad ng PAGASA, DOST, DSWD, DILG, DOH, at maging ng regional DRRMC councils.

Ang mga lugar na prone sa pagbaha at landslide sa Cordillera Administrative Region (CAR) partikular ang mga sinalanta ng Bagyong Ompong ay pinaghahanda na rin ng ahensya.

Batay sa forecast ng PAGASA, tinutumbok ng Bagyong Rosita ang Northern Luzon.

Sa isang panayam sinabi ni NDRRMC spokesperson Director Edgar Posadas na ang kanilang kahandaan para sa Bagyong Rosita ay kasing taas ng sa Bagyong Ompong.

Inaasahang magtataas ng red alert status ang NDRRMC ngayong araw ng Lunes.

Mamayang alas-9:00 ng umaga ay magsasagawa muli ng pulong ang NDRRMC kasama ang concerned agencies para sa bagyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.