Sa talumpati ng pangulo sa thanksgiving dinner ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa Davao City, inanunsyo ng pangulo na lahat ng kawani ng ahensya ay nasa floating status.
“I want to put on notice everybody in the Bureau of Customs, they are all in floating status. Maybe start again working, but I said, they are all floating status,” ani Duterte.
Ayon sa pangulo ipapalit ang mga tao mula sa militar habang tinutugunan ang mga kinahaharap na problema sa korapsyon sa bansa.
“They will be replaced, all of them, by military men. It will be a takeover of the Armed Forces in the matter of operating, in the meantime, while we are sorting out how to effectively meet the challenges of corruption in this country,” ayon sa pangulo.
Inatasan ng presidente ang Customs intelligence unit na direktang mag-ulat sa kanyang tanggapan sa Malacañang.
Maglalabas anya siya ng memorandum at ang mga empelyado ng BOC ay magsasagawa ng kanilang operasyon sa Malacañang Gymnasium.
Paliwanag ng presidente, ang kanyang desisyon ay bahagi ng kanyang pagdedeklara ng state of lawlessness sa bansa noong 2016.
Sinabi naman ng pangulo na bagaman hindi lahat ng nagtatrabaho sa BOC ay tiwali, wala anya siyang sapat na panahon para salain pa ang mga ito.