Bus nahulog sa Yangtze River sa China; 2 patay
Mahigit 10 katao, kabilang ang driver, ang sakay ng isang bus na nahulog sa Yangtze River sa China.
Ayon sa mga ulat, dalawang tao ang namatay dahil sa aksidente.
Ayon sa mga otoridad, binabagtas ng isang bus ang malawak na tulay sa itaas ng Yangtze River nang biglang pumunta ito sa kabilang linya, dahilan upang bumangga sa isang sasakyan.
Sa lakas ng impact ay nasira ng bus ang railing ng tulay na nagresulta sa pagkahulog nito sa ilog.
Patuloy ang ginagawang search and rescue operations ng mga diver at rescue workers upang mahanap ang mga pasahero at driver ng bus.
Nagpapatuloy din ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.