17 OFW arestado matapos dumalo sa party sa Riyadh
Inaresto ang 17 Pinay matapos dumalo sa isang sinasabing ‘forbidden party’ sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang pag-aresto sa Pinay overseas workers ay kinumpirma ni Labor Attache Nasser Mustafa.
Ayon kay Bello, inireklamo sa mga pulis ang mga nagpaparty dahil sa kaingayan na dahilan ng paghuli sa mga ito.
Nilinaw naman ng kalihim na ang mga naarestong OFWs ay hindi ang organizers ng party kundi talagang dumalo lamang.
Ipinagbabawal sa Saudi Arabia ang mga pagtitipon sa publiko na may kaugnayan sa mga non-Islamic events.
Tiniyak naman ni Bello na inutusan na niya ang mga Filipino officials sa Riyadh na bantayan ang sitwasyon ng mga Filipino sa naturang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.