Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Davao Occidental alas-4:00 ng madaling araw ng Lunes.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 94 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani.
May lalim ang pagyanig na 20 kilometro.
Tectonic ang dahilan ng lindol na hindi naman nagtala ng aftershocks.
Hindi rin inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian.
MOST READ
LATEST STORIES