Bagyong Rosita, bahagyang humina; 23 lugar nasa ilalim na ng signal no. 1
Bahagyang humina ang Bagyong Rosita habang papalapit sa kalupaan ng bansa.
Sa 11pm weather update ng PAGASA, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 180 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 220 kilometro kada oras.
Huli itong namataan sa layong 645 kilometro Silangan ng Tuguegarao, Cagayan.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyong pa-Kanluran.
Bukas, inaasahang mararamdaman na ang malalakas na hangin at mahihina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa northern at eastern sections ng Northern at Central Luzon.
Araw ng Martes ay inaasahang tatama sa Isabela-Aurora area ang bagyong Rosita.
Posibleng magtaas na ng Tropical Cyclone Warning Signal no. 2 sa Cagayan, Isabela, Quirino at Aurora bukas ng umaga.
Sa ngayon ay nakataas na ang Tropical Cyclone Warning Signal no. 1 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mt. Province, Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Group of Islands, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Northern Quezon kasama ang Polilio Island, Rizal at Camarines Norte.
Inaasahan ding itataas ang signal no. 1 sa Metro Manila bukas.
Nakataas ang gale warning sa kabuuan ng Northern at Central Luzon, eastern section ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao kung saan magiging maalon hanggang sa napakaalon ng sea conditions.
Lalabas ang bagyo ng bansa sa Huwebes, November 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.