Naninibago si Pangulong Rodrigo Duterte na wala na sa kanyang tabi si dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Go na hindi kasi basta-basta na maipagkakatiwala ng pangulo ang kanyang mga personal na pangangailangan lalo na sa aspeto ng kanyang pamilya.
Hindi aniya isang araw kundi dalawampung taon ang kanilang naging relasyon ng pangulo.
Ayon kay Go, bagaman nagbitiw na siya bilang SAP ay tuloy pa rin ang kanyang paglilingkod sa pangulo bilang isang pribadong indibidwal.
Sa ngayon, sinabi ni Go na kuntento naman si Pangulong Duterte sa bagong presidential top aide na si Senior Inspector Sophia Deliu.
Ayon kay Go, sa dalawampung taon na pagsasama nila ni Pangulong Duterte, hindi naman siya napagalitan ng punong ehekutubo at sa halip ay pinayuhan lamang sa kung ano ang mas makabubuti sa nakararami.