Mga suspek sa pagmasaker sa siyam na magsasaka sa Negros Occidental kinasuhan na
Inasunto na sa korte ang mga suspek sa pagmasaker sa siyam na magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental.
Ayon kay Negros Occidental Regional Police Office Chief Superintendent John Bulalacao, kasong multiple murder ang isinampa laban sa mga suspek.
Dalawa sa mga ito ay kinilalang sina Rene Manlangit at Rogelio Arquillo.
Ang dalawa ayon kay Bulalacao, ay dati umanong mga recruiter ng National Federation of Sugar Workers (NFSW).
May walong mga testigo na rin aniya ang pulisya laban sa dalawa kabilang na ang menor de edad na nakaligtas sa masaker.
Nitong araw ng linggo nang ilibing ang mga biktima sa kani-kanilang mga lugar. Sila ay pawing mga kasapi ng NFSW.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na ang siyam ay nirekrut sa NFSW sa paniwalang mabibigyan sila ng lupain ng bahagi Hacienda Nene kapag nagging magatumpay ang grupo sa pag-ukopa sa lugar sa ilalim ng tinawag nilang “Oplan Bungkalan Okupasyon”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.