Deployment ng mga sundalo sa Customs welcome sa pamunuan ng DND
Sang-ayon si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mungkahi na ideploy sa Bureau of Customs (BOC) ang mga sundalo para tumulong sa pagpapatakbo ng ahensiya.
Gayunman nilinaw ng kalihim na kung idedeploy man ang mga sundalo sa BOC ito ay pansamantala lamang habang nasa proseso pa si newly appointed Customs Chief retired General Rey Leonardo Guerrero sa pagbuo ng sariling trusted civilian team.
Wala aniyang problema sa kanya ang naturang mungkahi sapagkat iyon naman ay hindi permanente.
Sa panig naman ni AFP Spokesperson Brigier General Edgard Arevalo, sinabi nitong nakahanda ang militar na tumulong sakaling ang kakailanganin din ang tulong mula sa kanilang hanay.
Una nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Guerrero bilang bagong Customs chief kapalit ni Isidro Lapeña.
Inatasan ni Duterte si Guerrero na gamitin ang technical people mula sa Philippine Army at Philippine Coast Guard (PCG) para linisin ang ahensiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.