Prince Harry at Meghan nasa New Zealand para sa 4-day visit

By Justinne Punsalang October 28, 2018 - 04:17 PM

AP

Lumapag sa New Zealand sina Duke and Duchess of Sussex Harry at Meghan para sa huling bahagi ng kanilang 16 na araw na tour sa South Pacific.

Sinalubong ang mag-asawa ng isang traditional Maori ceremony kung saan nagkaron ng haka performance, bukod pa sa 21-gun salute sa Government House sa Wellington.

Apat na araw mananatili sa New Zealand sina Prince Harry at Meghan at nakatakda silang makipagkita kay Prime Ministter Jacinda Ardern.

Kasama sa kanilang itinerary sa bumisita sa New Zealand ang trail walk sa national park, makipagkita sa mga nagsasanay upang makapasok sa local film industry, at pumunta sa isang hatchery upang makita ang kiwi na national bird ng bansa.

Sinalubong din ng mga kabataan ang mag-asawa sa Government House at doon ay nagpamalas ang mga ito ng iba’t ibang sport gaya ng cricket, rugby, hockey, netball, at basketball.

Nauna nang binisita nina Prince Harry at Meghan ang mga bansang Australia, Fiji, at Tonga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.