(UPDATED AS OF 4:25PM) Niyanig ng isang magnitude 4.6 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental hapon ng Linggo.
Batay sa datos ng PHIVOLCS, naganap ang lindol kaninang alas-3:53 ng hapon.
Naitala ang sentro ng lindol sa 192 kilometro ng timogsilangan ng nabanggit na bayan, partikular sa bahagi ng katubigan dito.
May lalim ang lindol na 154 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Ayon sa PHIVOLCS, wala silang naitalang intensity dahil sa pagyanig.
Wala ring inaasahang anumang pagkasira sa mga ari-arian, maging aftershocks dahil sa lindol.
MOST READ
LATEST STORIES