Bagyong Rosita napanatili ang lakas habang papalapit ng Northern Luzon

By Justinne Punsalang October 28, 2018 - 04:07 PM

Patuloy na lumalapit sa Hilagang Luzon ang bagyong Rosita at magdadala ito ng malakas na pag-uulan simula bukas.

Batay sa latest severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 875 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

Dala nito ang hangin na 200 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 245 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Ayon sa PAGASA, sa ngayon ay wala pang nakataas na tropical cyclone warning signal dahil sa naturang sama ng panahon. Ngunit posibleng magtaas ng storm signals sa silangang bahagi ng Northern at Central Luzon mamayang gabi, habang signal number 1 naman bukas ng gabi sa Metro Manila.

Simula bukas ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-uulan sa Hilaga at Gitnang Luzon dulot ng bagyo na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Ayon pa sa weather bureau, mapanganim ang paglalayag sa dagat, maging ang land travel.

Inaasahang tatama sa kalupaan ng Isabela-Cagayan area ang bagyong Rosita pagdating ng Martes ng umaga.

Dahil dito ay mayroong posibilidad na magkaroon ng storm surge o daluyong sa naturang mga lalawigan.

Samantala, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Rosita sa Huwebes, November 1.

TAGS: Bagyong Rosita, Bagyong Rosita

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.