“Sikat na pulitiko sa Mindanao nadale ng Bading sa bar” – Wacky Leaks ni Den Macaranas

November 06, 2015 - 07:47 PM

den-macaranas1Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-move-on ang isang dating kongresista na ngayon ay elected official na sa Southern Philippines.

Kagalang-galang ang kanyang kasalukuyang pwesto pero may lihim pala siyang gustong burahin sa kanyang pagkatao.

Bwisit na bwisit ang ating bida sa kanyang sarili dahil minsan sa kanyang buhay ay nabiktima siya ng isang bakla na inakala niyang tunay na babae.

Nung mambabatas pa itong si Mr. Politician ay niyaya siya ng kanyang mga dating kapwa mambabatas na mag-goodtime sa isang Bar sa Taguig City.

Habang umiimom ay may nakilala siyang magandang nakatitig sa kanya mula sa isang sulok ng Bar.

Palibhasa’y medyo nakainom na kaya hindi na siya nahiyang lapitan ang nasabing “binibini”.

Makaraang magpakilala ay naging friendly kaagad sila sa isa’t-isa.

Tumagal pa ng ilang oras ang kanilang biruan at inuman hanggang sa maging naughty na ang topic ng kanilang kwentuhan.

Dito na nagsimula ang diskarteng bulate ni Sir.

Hanggang sa bumigay ang seksing binibini na kaagad niyang niyaya sa loob ng dala niyang Van.

Ang mga sumunod na pangyayari ay malagim.

Habang nasa akto ng kanilang paglalambingan ay biglang may nakapa si Sir.

Hindi nga siya nagkamali dahil pareho pala sila ng kanyang kapartner. Pareho silang lalaki.

Ang sumunod na eksena ay mas malagim dahil itinuloy pa rin ni Mr. Politician ang kanyang ginagawang paglalambing.

Tutal naman daw eh nandun na kaya tinuluyan na niya. Naku po!

Wala na sanang makaka-alam sa sinapit ng ating bida kundi nya sana ikinuwento ang kanyang karanasan sa isa pang kapwa rin niya dating mambabatas.

Nabuking tuloy ang madilim na lihim ni Sir.

Ang pulitiko na natanso ng kanyang nakilalang maganda sa loob ng isang Bar ay si Mr. M….as in Matulis na Matapang pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.