Sa isang pahayag, iginiit ng CPP na ang paglilipat ni Pangulong Duterte kina dating Customs Commissioners Nicanor Faeldon at Isidro Lapeña sa ibang mga posisyon sa gobyerno ay nagpapakita lamang ng mas malinaw na pagkatao ng presidente bilang drug overlord ng Philippine narco-government .
Ayon sa CPP, ang pagtatalaga sa dalawa sa ibang government posts ay tila pagbibigay pa ng ‘reward’ sa pagpayag ng mga itong pumasok ang malalaking shipment ng droga sa bansa.
“Indeed, by continuing to support Lapeña and Faeldon with government appointments, Duterte is making himself appear to be rewarding the two for having allowed the large shipments of shabu from China, keeping them close, ensuring their loyalty and silence,” ayon pa sa pahayag.
Giit ng grupo, protektor ang pangulo ng malalaking shabu smugglers kabilang ang kanyang anak at son in law.
“Duterte’s actions give the people a clear picture how he himself is lording it over the illegal drug trade in the Philippines. He has been protecting the big shabu smugglers which include his son and son-in-law and in fact managing it through his appointees in the BoC,” dagdag ng grupo.
May karapatan umano ang publiko na kwestyunin ang promotion ng dalawa dahil ang bilyun-bilyong halaga ng droga ay naipuslit sa pamumuno ng mga ito ayon sa CPP.